gambala ng umaga

eto na naman ako, antok sa umaga, aktibo sa gabi… bat ba kasi di nalang baliktarin ang mundo.

nakita kong naglalakad ang boss ko ng 11pm. grabe… kung akala ko akoy workaholic na, sya mas matindi.. walang pahinga..gising na yan ng alas4.. tapos buong araw nagtratrabaho.. nung nakita ko sya nung gabing yon, galing pa syang abroad nun.. bilib ako sa kanya.. walang pahinga, walang holiday, walang rest day.. paglaki ko, gagayahin ko sya.

matagal ko narin ipinagpaubaya ang pahinga.. lagi ako on call sa opisina.. pag umaga, kalahati ng katawan ko ay sa bossing ko, ang kalahati, sa mga kamaganak, kebigan, asawa, kapatid ng boss ko.. para ko narin sinanla kaluluwa ko sa demonyo.. ang maganda lang dito, di sya si Lucifer..katunog lang. Sa gabi naman andun ang stress na kapag gabi tatawag ang opisina dahil may problema.. mabuti nalang meron na akong katulong sa opisina pag gabi.. kaya nabawasan na ang stress ko.. dun nalang sa isa pang opisina ang may stress… and take note… wala akong sweldo dun.. TY lang yun.. pakisama, kasi pag aari rin ni boss yun.

bukas sagad sagad ang schedule ko.. alas tres pupunta ng makati para tingnan ang bahay ng asawa ng boss ko.. kelangan daw ang advise ko.. (napakalayo sa linya ng trabaho ko.. pero boss ko yun e)..sa umaga naman may mga supplier na manliligaw, sa tanghali naman may iiinterbyuhing applicante.. (sana maganda)

siguro 70% ng ginagawa ko ngayon ay walang kinalaman sa trabaho ko.. 30% nalang ang nakatutok sa trabaho ko… kaya katakot takot ng habol ang ginagawa ko kung sabay silang nag demand ng attention… ganyan talaga ang buhay, minsan di mo pwedeng idahilan sa boss ko na di ko na sakop ang trabaho na yon… para sa kanya, nothing is impossible.. kaya para sa akin…. impossible is nothing.. so just do it!! .

syanga pala. mahilig din ako sa sapatos..

Advertisements

2 Tugon to “gambala ng umaga”

  1. hahaha! ayos na ayos! umaga pa lang napatawa mo na ako.

  2. salamas.. sana minsan mapaiyak ka naman

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: