tinamaan…

naknampating…. eto ako, kulang sa tulog.. amnesia ba tawag dun? oo, amnesia, yung nalimutan pano matulog ng maaga sa gabi… nagtataka ako kung bakit pag gabi ay hirap ako makatulog, pero pag dating ng umaga, hirap naman ako magising… di lang siguro ako talaga morning person.

redbull extra joss ang almusal sa umaga, para lang magkaroon ng konting sigla, sinubukan ko na mag gym sa umaga, pero pag dating talaga ng 8am, tatamaan ako ng antok… nasubukan mo na bang mag treadmill habang pipikit pikit ang mata? ayaw ko naman magaya dun sa mga nadapa at gumulong minalas sa treadmill dahil either sila ay: a. inaantok; b. di nila mahabol ang bilis ng sinet nila sa treadmill (duh); c. natalisod sa sintas ng sapatos nila; o d. sadyang nagpapatawa.

minsan naunahan ko ng gising ang alarm clock ko, 5-6am. (mga 2x a month mangyari) tapos di ako makakatulog kahit anong pilit ko, pero pag dating ng 7am bigla akong mawawalan ng malay, at magigising sa alarm ng 830, pero antok na akala mo walang tulog.. sana 10-7 nalang sched ko or 11-8.

ang ganda nya, shet… sa kulay palang panalo na… kakaiba ang kanyang appeal.. para akong high school na torpe na di ko alam kung ano dapat kong gawin para makuha ko sya.. minsan lang ako ma inlab ng ganito, minsan lang tamaan ng malakas… halos 3-4x sa isang taon… pero iba tlga to, kakaibang saya ang nadarama ko kung nakikita ko sya… at last, available na sya! nokia n95! mapapasaakin ka rin! bwahahaha

eto pang isa kong hinahangaan ngayon.. cybercrush? (pfft!).. may edad na ako, di na ata uso yun.. pero natutuwa ako sa kanya… sa kanyang ugali… sense of humor kumbaga.. .at ang effort na kanyang binibigay para lamang mapasaya ang limpak limpak na tagahanga nya.. ganyan din kasi ako kaya nakakarelate.. kakaiba talaga ang natural high na nakukuha mo kapag nakakapagpasaya ka ng tao.. feeling mo ikaw ang pinakamayaman na tao sa balat ng lupa.

Christine ang pangalan nya… kaninang umaga ko lang sya nakilala…kikilalanin ko pa syang mabuti sa mga susunod na araw.. pero mag didieta muna ako.. marahil di nya alam na isa ako sa mga tagahanga nya, pero isang panood palang sa mga kalokohan nya.. naaliw na ako. mas magaling sya ng di hamak sa mga artista natin dito…

para syang si… si… rex navarette na ginawang babae! (pasensya na sa mga pluggings)

buti nalang mas maganda sya kay rex, kaya habang pinapanood mo, nakyukyutan ka pa..si rex kasi, muka palang, matatawa ka na e.

sila ang mga produkto ng internet.. mga taong sumikat/sisikat palang dahil sa internet..

iba talaga ang pinoy, taas noo..

parang si rex, ang taas na ng noo..

langya, nakaka amats pala ang extra joss!

Advertisements

3 Tugon to “tinamaan…”

  1. bonniefazzyoo Says:

    hirap din akong matulog sa gabi ngayong mga panahon na ito… 😦

  2. nasubukan mo na matulog sa umaga?

  3. I think you mean insomnia rather than amnesia. but if you pertain on memory loss, then that would be amnesia.

    by the way, i enjoy reading your blogs. i am getting bored here at work. so, i’ve decided to browse some blogs. i am done with kwentongbarebero.com and poli-adik.blogspot.com… now it’s your turn. hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: