hellyweek hangover

balik trabaho… balik opisina… balik trapik… balik sa dati… sa mga nagbakasyon… nakapagrecharge ba kayo? sa tingin ko hinde… im sure lahat kayo nagwiwish na sana may isang linggo pang bakasyon… binitin nyo lang sarili nyo…tama?

ako naman, bitin din.. kinalimutan ko ang isang bagay na di dapat kalimutan sa sideline ko…. ang mag check ng available parts… kulang na pala ako ng pyesa…punyeta! ang masama pa nyan, sarado halos lahat pag hellyweek….

wala akong ginawa kungdi maglaro ng maglaro… humiga sa la-z-boy ko, maglaro, matulog, kumain, maglaro… walang nagawang sideline.. walang kita.. pero ok narin yun… wala din naman gastos…

balik upisina ako kanina… at may hangover… hindi dahil sa uminom ako kagabi… hindi rin dahil sa bitin ako sa bakasyon.. yung puso ko napunta ata sa ulo ko, ramdam na ramdam ko ang tibok sa utak ko.. pulsating headache ika nga sa wikang ingles… san ko iyon nakuha? di ko alam…

lunch time.. ayun! nahuli ko na ang dahilan ng pulsating headache ko… pag inom ko ng tubig, dumaan sa ngipin ko (molars)… nangilo.. tumutok sa utak! (aguy!!) parang brainfreeze x10!

sarap magtrabaho ng inaatake ng sakit sa ulo.. parang gusto mong sumigaw at magmura sa mga maliliit na bagay na di mo naman napapansin dati… ang init ng ulo ko ngayon.. panalo, kahit sino binabara ko, di ako palangiti… parang gusto ko agawin ang baril ng security ang barilin sarili ko sa utak..BANG!! pain is gone!

text ako sa kebigan kong dentista… deadma… text uli.. mamaya sumagot na.. pinakapa sa akin ngipin ko, katukin ko daw..(habang parang tanga akong pinanood ng mga co-workers ko) ayun, dahil sa kanya nalaman ko na malapit na pala matanggal ang aking filling (pangit kasi kung “pasta” ilagay ko).. yun pala ang dahilan..

At least ngayon nabibilang ko BP ko kahit di ko pakiramdaman yung pulso ko.

ika nga, its all in the head.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: