lech…hirap maging virgin

para sa isang bihasa sa IT, 3 oras kong pinagaaralan kung anong sapat para sa blog na ito. sabi nila masarap daw mag blog, madami sa friendster gumagawa nun, pero di ko rin tinangka. Di rin ako mahilig magbasa ng blog sa friendster. pakiramdam ko, para akong nagbabasa ng mga nangyayari sa buhay nila, pwedeng pawang kaplastikan, di naman talaga ganun ka exciting buhay nila… “OMG!! I SAW MARC NELSON IN BORA!!” tapos makikita mo may picture na kasama niya yung artista…malamang primary photo pa… sheesh…

pero dito sa wordpress, dito ako tinuro ng staff kebigan ko. Yes, never na staff ang turing ko sa kanya. Para sa amin, pantay kami, parehas kaming tao, parehas kaming ipinanganak na hubad, parehas kaming dumudumi, umiinom, kumakain. staff lang sya pag nasa opisina kami. Plastic ba ako? oo. pero tao din naman ako.

Para sa akin, isa siyang find of the century. kumbaga sa potential, lagpas sa scale. kumbaga sa radiation, mutant siya.

first time kong mag blog. kung anuman maisulat ko dito, bahala kayo, basta eto ang buhusan ko ng sama ng loob.. bukod sa inidoro… at para sa kebigan kong nagpakita sa akin ng site na ito.. ito ang aking alay para sayo. sabi mo nahihiya ka dahil wala ka man lang nacontribute o nagmumuka kang bobo kapag andito sa opisina. eto lang masasabi ko, ito ang iyong naipamahagi sa akin. eto ang natutunan ko sayo.

pagpasensyahan nyo na muna ako, habang mamayang gabi, akoy lalagnatin. pero masarap naman daw pag natuto.

nahihilo pa ako sa pagblog ko…at sigurado, minsan mahihilo din kayo.. minsan magugulat nalang kayo kung may mga araw an english ang aking mga entrada, wala lang, pag feel ko lang.

tangnang buhay to…. bihasa sa IT pero pang 4 na oras ko na to kinakalikot!

WELCOME TO MY WORLD!

Advertisements

4 Tugon to “lech…hirap maging virgin”

  1. Hi, gandang araw, enjoy blogging, and most of all write for yourself, about yourself, and not for other people. 😉

  2. salamat sa payo…at salamat sa bilang isa sa pinakaunang nag iwan ng komento sa mundo kong ito…

    YOU JUST WON FOR YOURSELF…A PRIZE!!!

  3. write anything you want.. utot mo’ utot ng kasamahan sa trabaho.. utot ng presidente.. utot na blue.. utot ng kung sino sino.. kung trip mo mapuno ng kaututan ang blog mo.. gawin mo’ dahil ang tamang goal naman ng pagba blog madalas sa hindi eh yung maging outlet natin sa mga issues sa buhay buhay’ and magkaron tayo ng sariling mundo na magagawa natin at masasabi natin lahat ng gusto natin.. tayo si big brother at tayo din ang housemate sa sariling mundo natin.. isulat natin kung ano yung gusto natin’ hindi yung kung ano ang gusto ng iba.. dahil pag nagawa natin yun.. mas masarap pa yun sa isang matindihang orgasmo.. believe me… not! heheheh

    and btw you might want to check this one

    way to go!

  4. Naks may prize, sana Autoload yan, hahaha! 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: