Imbak para sa Abril, 2007

when the cat is away…

Posted in kung ano ano lang... on Abril 25, 2007 by defpotec

wala si boss, nasa abroad, baka early may pa babalik…

pagka wala si bossing, medyo maluwag ang schedule ko .. eto ang typical morning ko pag wala si boss…

Assistantniboss#1: (tumawag via cellphone) defpotec… pahanap naman ako ng casing sa cellphone ko..

ako: yes sir!

Asawaniboss#2: (via cp din) defpotec, alam mo yung tv sa bahay ko di daw kasya sa pader, puntahan mo nga para i meet mo yung architect at bigyan mo ng instructions para ma mount yung tv.

ako: yes mam

kebiganngasawaniboss#2: (text) hi, wld u be interested in a versa freezer van for transporting of goods for your establishment? i have 2 units

ako: deadma

asawaniboss#2: (forwarded text) hi, wld u be interested in a versa freezer van for transporting of goods for your establishment? i have 2 units

ako: (text back) ma’am ill ask po kung may requirement.

assistantniboss#2: (nakita ko sa opisina) def… ano ba yung brand na ginamit ng establishment natin na pintura?

ako: sir brand XXXX po

asawaniboss#2: (tumawag uli) defpotec, may pupunta dito si Mr. kebigankoasawanibossnumber2, paki samahan mo nga at i entertain mamayang lunchtime

ako: ok mam

architectngasawaniboss#2: (text) hi, wer u able to send ms. asawaniboss#2’s tv to her condo na? coz i will need it to revise the mounting on her wall…and she told me to follow up from you her order of washing machine and refrigerator.

ako: (text din) hi ma’am sexymagsalitaperowalangboobs… yes ma’am it was sent last sat, and her orders are being processed already

architectngasawaniboss#2: (text) ok def.. hot day today (nagswesweetalk baka type ako)

ako: (sagot sa text nya) yes ma’am. nice to have an ice cold beer (fishing)

(walang nakuhang text back)…

kebiganniboss#45432: (tumawag di ko naman kilala) hi… remember me?? im kebiganniboss#511352 .. andyan ba si Mr. Boss?

ako: uh (obviously di maalala) .. hello mr.. kebiganniboss#74521!! sir, wala po sya ngayon, out of the country…

kebiganniboss#45232: ah ganun ba?kelan uwi nya? busy ba sya???

ako: (aba malay ko kung busy sya, pero ako busy)…. ahmmm sir, baka may pa po, siguro po sir tawagan nyo nalang sya sa cellphone, di ko rin kasi alam sched nya pag wala sya dito e..(at kahit andito sya di ko rin alam sked nya)

kebiganniboss#45232: ahhh ok.. .(click)

ako: fuckyouverymuch sir!!!

assistantniboss#1: (text) please text me when the casing has arrived

ako: ok sir, ive ordered it already. probly tomorrow

sexinghiponnasalesrepngsupplier : (text) gudam sir, r we confrimd w r mtng at 1pm ltr?

ako: yes, please txt me wen ur here (kungdikalang hotbody…)

sekretaryaniboss#2: (text) may gamot pa ba si boss?

ako: di ko pa na chek e, kelan ba uwi si boss?

sekretaryaniboss#2: mga early may.. busy ka?

ako: dinaman masyado, alam mo naman pagwala si boss di ako gaanong busy (talaga?)

sekretaryaniboss#2: ok sige see you pagpunta ko dyan

ako: sige, text nalang kita kung anong gamot ang kelangan.. thanks…

sarilikongfriend#5: (via cellphone) pre, busy ka? i have one question lang.. nagformat ako ng pc ko e, kasi di ko na makita ang driver ng soundcard ko, so ano dapat kong gawin??

ako: pare di naman ako busy, ganito, sakay ka ng g-liner papuntang gilmore, tapos on the way, kausapin mo yung bus driver, tanong mo kung kaya nya rin mag drive ng taksi or jeep, tapos kung kaya, kunin mo na sya for sure mapapagana nya yung sound card mo..

sarilikongfriend#5: o sige pre, try ko yun ha…

ako: ok pre, ingat…

anlabo ng trabaho ko dba? and to think, PROPERTY CUSTODIAN ang nakalagay sa work description ko, pero ang nangyayari sa akin ang slave ng buong bayan…. pero ok lang.. masarap naman tong ganitong trabaho, andami mong nalalalaman, natututunan, natutulungan, nagagawa… and to think yung mga nangyari na yan is in the span of 1-2 hrs..

ganito kasarap ang buhay ko kung wala si boss, magaan ang trabaho… kasi naman pag andyan si bossing… mission impossible naman mga pinagagawa nya… kaya ayun… mga puting buhok ko sa ulo at sa ilong dumadami na..pero nagagawa parin!

kunsensyako: o anong ginagawa mo? petix ka na naman, nakakapagblog ka pa!

ako: sori kunsensya.. balik work na po!

DEMMIT… ayaw ko gumamit ng safeguard na sabon…

Advertisements

sino sya?

Posted in kung ano ano lang... on Abril 21, 2007 by defpotec

may nakilala ako kaninang umaga habang nagbrbrowse.. mukang may bago na naman akong kras.. grabe.. ang kinis… di naman sya gaanong kagandahan.. mga 8.5 out of 10.. pero galing mag project.. panalo ang appeal.. 10 out of 10..

iba talaga ang pinay.. kahit san lupalop ng mundo ka pumunta.. pinay ang pinaka mabango, malinis, maganda.. dati di ako naniniwala dun.. pero ngayon.. grabehhhhhhhh

naalala nyo pa pa yung isang beer commercial mga 2 years ago? yung ganda ng pilipina.. totoo yun.. san ka man magpunta, ang pinay ang maganda.. sa ibang bansa ang maganda lang sa kanila artista.. dito kahit san may maganda..

pati nga ang bading gumaganda e.. syempre tumitindi ang laban ng kompetensya.. eto sya..

22zk1.jpg 82ds1.jpg93kz4.jpg111ac8.jpg21618663820294lvh4.jpgellen3cf6.jpg115cb3.jpg

UPDATE: name nya pala is ellen adarna.. isang commercial model.. malamang.. sa ganda nyang yan e alangan wala pang offer sa kanya? pero grabe no? hanep sa project.. to the point na kinukuha na ang pic nya at ginagamit panggoyo sa ibang tao..

Ellen Adarna…. hayyyy..

gusto ko syang ipakilala sa aking “ibong adarna”…

ACHTUNG BABY!!

Posted in kung ano ano lang... on Abril 19, 2007 by defpotec

img_0225.jpg

Guten morgen!

mein name ist defpotec…

ich nicht wirklich spreche Deutsches

aber im zwangen zu, weil ich einen wundervollen Chef habe

er förderte mich gerade, um mit ihm zu studieren

Auf Wiedersehen

translate:

good morning

my name is defpotec

i dont really speak german

but im forced to, because i have a wonderful boss

he just sponsored me to study with him

Goodbye

eto na naman ako (mission impossible theme starts playing in background).. mukang mapapasubo.. mapapalaban… german naman ngayon.. ibang klase talaga tong boss ko.. very spontaneous… bigla akong ipinatawag.. at mag aral daw kami ng german… nag hire ng private tutor.. 300/hr ang rate.. di pa ata nakuntento.. ginawang 1000/hr… 2 hrs a day.. every monday and thursday 1pm-3pm. (good tipper si boss, sana ako din binibigyan nya ng tip).

di ko alam anong gagawin ko sa matututunan ko.. kung ano plano sa akin ng boss ko kaya nya ako pinaaral ng german.. itatapon ba nya ako sa germany kasama ang mga aleman? ipapahanap nya ba sa akin si hitler? o bibigyan nya ba ang ng german chick? bahala na sya sa akin.. tulad ng sabi ko sa nakaraan kong blog.. sinanla ko nakaluluwa ko sa kanya.. ipapagubaya ko na buhay ko sa kanya… di ko nalang sasabihin na walang kinalaman ang trabaho ko sa pinapagawa nya sa akin… NAKNAMPATING!! PROPERTY CUSTODIAN PO AKO!! sa tagalog, tagaligpit at taga tago ng mga gamit ng tao… ahhh sabagay, kakaiba naman ang dating ng isang property custodian na marunong mag aleman.. “guten tag herr Bushwick“.. o diba? sosyal ang dating..

o baka naman ipapadala ako sa germany at gagawin akong tagapagbantay sa isa nyang bahay or opisina dun?o baka naman wala lang..trip lang nya talaga ako pahirapan.. di natin masabi e..

so ayun.. mamaya ang 1st lesson namin… sana di ako makatulog.. buti nalang may nagawa na akong research about german…

tulad ng sa itaas…. medyo barok man, nakakapagsalita narin ng german.. kahit konti..

madali lang pala kung gugustuhin…

salamat sa babelfish

gambala ng umaga

Posted in kung ano ano lang... on Abril 18, 2007 by defpotec

eto na naman ako, antok sa umaga, aktibo sa gabi… bat ba kasi di nalang baliktarin ang mundo.

nakita kong naglalakad ang boss ko ng 11pm. grabe… kung akala ko akoy workaholic na, sya mas matindi.. walang pahinga..gising na yan ng alas4.. tapos buong araw nagtratrabaho.. nung nakita ko sya nung gabing yon, galing pa syang abroad nun.. bilib ako sa kanya.. walang pahinga, walang holiday, walang rest day.. paglaki ko, gagayahin ko sya.

matagal ko narin ipinagpaubaya ang pahinga.. lagi ako on call sa opisina.. pag umaga, kalahati ng katawan ko ay sa bossing ko, ang kalahati, sa mga kamaganak, kebigan, asawa, kapatid ng boss ko.. para ko narin sinanla kaluluwa ko sa demonyo.. ang maganda lang dito, di sya si Lucifer..katunog lang. Sa gabi naman andun ang stress na kapag gabi tatawag ang opisina dahil may problema.. mabuti nalang meron na akong katulong sa opisina pag gabi.. kaya nabawasan na ang stress ko.. dun nalang sa isa pang opisina ang may stress… and take note… wala akong sweldo dun.. TY lang yun.. pakisama, kasi pag aari rin ni boss yun.

bukas sagad sagad ang schedule ko.. alas tres pupunta ng makati para tingnan ang bahay ng asawa ng boss ko.. kelangan daw ang advise ko.. (napakalayo sa linya ng trabaho ko.. pero boss ko yun e)..sa umaga naman may mga supplier na manliligaw, sa tanghali naman may iiinterbyuhing applicante.. (sana maganda)

siguro 70% ng ginagawa ko ngayon ay walang kinalaman sa trabaho ko.. 30% nalang ang nakatutok sa trabaho ko… kaya katakot takot ng habol ang ginagawa ko kung sabay silang nag demand ng attention… ganyan talaga ang buhay, minsan di mo pwedeng idahilan sa boss ko na di ko na sakop ang trabaho na yon… para sa kanya, nothing is impossible.. kaya para sa akin…. impossible is nothing.. so just do it!! .

syanga pala. mahilig din ako sa sapatos..

THE REASON!!!

Posted in kung ano ano lang... on Abril 14, 2007 by defpotec

this is THE only REASON why boxers rule….

di nag ba- bacon!

shet… traumatic to para sa akin…

baka sumonod na ako kay FG sa st. Lukes.

where’s waldo??

Posted in kung ano ano lang... on Abril 12, 2007 by defpotec

pak!! asan yung about me ko? di ko makita??

at sino ba si waldo?bat ba lagi siyang nawawala?pano sya napunta dito sa blog ko?

tinamaan…

Posted in kung ano ano lang... on Abril 12, 2007 by defpotec

naknampating…. eto ako, kulang sa tulog.. amnesia ba tawag dun? oo, amnesia, yung nalimutan pano matulog ng maaga sa gabi… nagtataka ako kung bakit pag gabi ay hirap ako makatulog, pero pag dating ng umaga, hirap naman ako magising… di lang siguro ako talaga morning person.

redbull extra joss ang almusal sa umaga, para lang magkaroon ng konting sigla, sinubukan ko na mag gym sa umaga, pero pag dating talaga ng 8am, tatamaan ako ng antok… nasubukan mo na bang mag treadmill habang pipikit pikit ang mata? ayaw ko naman magaya dun sa mga nadapa at gumulong minalas sa treadmill dahil either sila ay: a. inaantok; b. di nila mahabol ang bilis ng sinet nila sa treadmill (duh); c. natalisod sa sintas ng sapatos nila; o d. sadyang nagpapatawa.

minsan naunahan ko ng gising ang alarm clock ko, 5-6am. (mga 2x a month mangyari) tapos di ako makakatulog kahit anong pilit ko, pero pag dating ng 7am bigla akong mawawalan ng malay, at magigising sa alarm ng 830, pero antok na akala mo walang tulog.. sana 10-7 nalang sched ko or 11-8.

ang ganda nya, shet… sa kulay palang panalo na… kakaiba ang kanyang appeal.. para akong high school na torpe na di ko alam kung ano dapat kong gawin para makuha ko sya.. minsan lang ako ma inlab ng ganito, minsan lang tamaan ng malakas… halos 3-4x sa isang taon… pero iba tlga to, kakaibang saya ang nadarama ko kung nakikita ko sya… at last, available na sya! nokia n95! mapapasaakin ka rin! bwahahaha

eto pang isa kong hinahangaan ngayon.. cybercrush? (pfft!).. may edad na ako, di na ata uso yun.. pero natutuwa ako sa kanya… sa kanyang ugali… sense of humor kumbaga.. .at ang effort na kanyang binibigay para lamang mapasaya ang limpak limpak na tagahanga nya.. ganyan din kasi ako kaya nakakarelate.. kakaiba talaga ang natural high na nakukuha mo kapag nakakapagpasaya ka ng tao.. feeling mo ikaw ang pinakamayaman na tao sa balat ng lupa.

Christine ang pangalan nya… kaninang umaga ko lang sya nakilala…kikilalanin ko pa syang mabuti sa mga susunod na araw.. pero mag didieta muna ako.. marahil di nya alam na isa ako sa mga tagahanga nya, pero isang panood palang sa mga kalokohan nya.. naaliw na ako. mas magaling sya ng di hamak sa mga artista natin dito…

para syang si… si… rex navarette na ginawang babae! (pasensya na sa mga pluggings)

buti nalang mas maganda sya kay rex, kaya habang pinapanood mo, nakyukyutan ka pa..si rex kasi, muka palang, matatawa ka na e.

sila ang mga produkto ng internet.. mga taong sumikat/sisikat palang dahil sa internet..

iba talaga ang pinoy, taas noo..

parang si rex, ang taas na ng noo..

langya, nakaka amats pala ang extra joss!