eto ang kelangan ng pilipinas ngayon…

Posted in badbreath, kung ano ano lang... on Oktubre 7, 2011 by defpotec

pagkatapos kong napanood ang nasa ibaba, kinalimutan ko na si Chuck Norris..

 

sya na ang bagong idolo ko…

 

walang sinabi sa kanya kahit ipagcombine mo ang  justice league at avengers.. wala! as in.. 0.

 

ipagsama mo si arnold, si stallone, si steven seagal.. kahit si van damme.. wala.

 

sya na ang bagong hero ko..  sya na ang kasagutan sa problema sa pilipinas.

 

 

please lang.. sana tumakbo kang mayor, governor or senador.. siguradong mananalo ka!! kelangang kelangan ka ng pilipinas!!

 

iyo ang boto ko!!

isang karangalan…

Posted in kung ano ano lang... on Oktubre 6, 2011 by defpotec

para sa isang tao na iniba ang pananaw ng mundo sa mga geeks at nerds…

ang nagbigay ng mga bagong laruan sa buong mundo…

ang nagubos ng pera ko kada may bagong produkto..

ang dahilan para ngayon ang isang pulang prutas ay mapagkakamalan ngayong isang produkto ng  teknolohiya..

salamat ..

MABUHAY KA STEVE JOBS!!

(double meaning not intended!)

ampucha.. ano to!!??

Posted in kung ano ano lang... on Oktubre 5, 2011 by defpotec

halos 2 taon akong nagpahinga sa blogging at pagbalik ko para akong isang OFW na nawawala sa sariling bansa…

 

di ko alam kung matutuwa ako or maiinis, pero at least may mga pagbabago… bagong presidente ng pilipinas… bagong layout.. bagong features.. at syempre.. bagong readers….  syempre sa panahon ng technolohiya…sigurado akong maiikli na ang pasensya ng mga readers mag backread ng mga post.. kaya para narin akong bagong blogger..

 

pero eto lang ang mga kapansinpansin na pagbabago sa wordpress.

 

unang puna: “like” button.. ano to? facebook?

pangalawang puna: “sign in via… twitter, facebook, etc” – anak ng tokwa… sulit.com?

pangatlong puna: di ko pa napupuna..

para akong may bagong kotse.. daming kakalikutin…

 

mahirap talaga sa panahon ngayon ang mag bakasyon ng taon.. pagbalik mo, di ka na tao!

saging lang ang may puso???

Posted in kung ano ano lang... on Oktubre 4, 2011 by defpotec

sabi nila saging lang ang may puso…

 

nagkakamali sila..

 

ang saging ay maaring may puso, pero tulad ng lalake, madalang itong gamitin..

ang lalake ay may puso.. ngunit pag nangibabaw ang saging nya, nawawalan sya ng puso..

strike anywhere….

so paano mo masasabing may puso ang saging?

 

o sige, literal, may puso nga ang saging, pero di nila to ginagamit..

 

alam mo bukod sa saging ano pa may puso?

 

PEACHES!..

 

maihahambing to sa isang babae… masabaw, matamis, malaman.. masarap supsupin…

 

pero tulad ng babae niloko, ang puso ng peaches ay parang nagdurugo..

 

kaya sa mga saging, wag manloko ng peaches..

 

di naman tayo fruit cocktail..

 

bakit?

Posted in Walang kategoriya on Oktubre 3, 2011 by defpotec

isipin nyo nalang na akoy isang kuko.. kahit ilan beses mamatay.. ay babalik parin ako….

da return op da kambak…

Posted in Walang kategoriya on Setyembre 29, 2011 by defpotec

psst.. andyan pa ba kayo???

 

 

 

babalik na ba ako?

ang bastos!!

Posted in kung ano ano lang... on Nobyembre 4, 2009 by defpotec

sa tingin ko malaki ang naging problema ng ating weather bureau matapos ang ondoy….

isipin mo…

kada bagyo pagkatapos ni ondoy.. lahat ay nakatutok sa kanina…

konting patak lang ng ulan ay panic mode na ang mga tao…

at syempre.. taas noo at poging pogi ngayon ang PAGASA dahil humaba na ang segment nila sa balita… kung dati ay 3 mins lang.. ngayon may pa presscon presscon pa.. 15 minutes of fame…

at ano ang ginawa nila sa kanilang kasikatan…

abay… eto…. sa bilyong bilyong pangalan na pwedeng ipangalan sa mga darating na bagyo… di ba nyo naisip bakit “santi” ang pinangalan nila??

santi claus is coming to town?…. maria SANTIsima?? or dahil malapit na ang all saints day kaya nilaro nila ang ‘saint’ at ginawang ‘santi’??

MALI!!

ang tunay na dahilan ay malalaman nyo lang pag dumating ang kasunod ng bagyong santi…

dahil ito ay ipinagalan nilang…

TINIO….

pagdugtungin nyo nalang ang dalawang bagyong magkasunod….

santi+tinio = ???????

yung akin nasa saluwal ko pa..

 

 

UPDATE:

 

nilinaw na ako ay nagkakamali.. “TINO” pala ang pangalan ng bagyong sumonod kay SANTI at hindi “TINIO”…

 

ok.. pero bastos parin…..

 

ginawa lang in question form?

 

mga baklush…

 

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.