ampucha.. ano to!!??
halos 2 taon akong nagpahinga sa blogging at pagbalik ko para akong isang OFW na nawawala sa sariling bansa…
di ko alam kung matutuwa ako or maiinis, pero at least may mga pagbabago… bagong presidente ng pilipinas… bagong layout.. bagong features.. at syempre.. bagong readers…. syempre sa panahon ng technolohiya…sigurado akong maiikli na ang pasensya ng mga readers mag backread ng mga post.. kaya para narin akong bagong blogger..
pero eto lang ang mga kapansinpansin na pagbabago sa wordpress.
unang puna: “like” button.. ano to? facebook?
pangalawang puna: “sign in via… twitter, facebook, etc” – anak ng tokwa… sulit.com?
pangatlong puna: di ko pa napupuna..
para akong may bagong kotse.. daming kakalikutin…
mahirap talaga sa panahon ngayon ang mag bakasyon ng taon.. pagbalik mo, di ka na tao!