kumusta naman si pareng fries?
dun sa mga nag aabang kung ano na ang nangyari sa french fries ng mcdo na pinost ko noon dito? at ang follow up na nangyari sa kanya dito….
eto na sya ngayon… kumustahin natin sya…
JULY 29, 2008:

sa ngayon ay medyo parang nagkaroon ng konting pagsesebo.. ibig sabihin kaya ay nagumpisa na ang kanyang decomposing process.. pero kung iisipin mo.. ika 2 buwan na nya to.. bat di parin sya inaamag?

so kahit anong pilit ko.. di ko maipakita ang quality ng fries dito sa pic.. so mas mabuti pang iabante sya at i close up..

at sa wakas.. nakuha ko rin ang close up shots nya.. kitang kita nyo naman.. wala man lang ka ebidensya ng pagbubulok at pagkakaroon ng amag.. kakaiba!!
sa susunod na di nyo uubusin ang fries nyo sa mcdo.. tandaan.. itapon sya ng maayos sa “DI NABUBULOK” na basurahan… kasama nya ang barkada nyang si styrofoam, styropore, at si plastic bag..
di pa tapos ang experimento…. abangan pa…
Hulyo 29, 2008 Sa 7:49 hapon
yum!
Hulyo 30, 2008 Sa 7:19 umaga
hehehe parang inorganic yang lintek na fries ng macdo ah tsk tsk tsk sige ituloy mo yang eksperimento baka makadiscover ka ng bagong gamit ng tiranf mcdo fries (gaya ng filling sa foundation ng building, artificial coral reef atbp)
Hulyo 30, 2008 Sa 9:12 umaga
ganyan din kaya itsura niyan sa tiyan ko? teka, sasagutin ko tanong ko. kung hindi ko nginunguya ang kinakain ko, malamang oo. haha.
tibay ng fries ng mcdo! pwedeng ilaban sa guinness!
Agosto 1, 2008 Sa 7:17 hapon
in the first place, hindi siya exposed sa air so hindi mamamaximize yung moist na magke cater ng fungi.
at hindi yan aamagin sa loob ng katawan dahil sa stomach palang tunaw na yan.
Agosto 5, 2008 Sa 8:46 umaga
hehehehe! langya di mo talaga tinatan-tanan yang fries na yan
.
Oktubre 3, 2008 Sa 1:25 hapon
di kya dapat itawag jan, french preservatives? korny,,pero baka ganun nga,,ngiii,,kakatakot,, non-biodegrable na french fries..tsktsk.