the fountain of youth…
natatandaan nyo pa ba ang entry ko na ito?…. ang post na ito ay para sa mga taong ayaw tumanda at naghahanap ng fountain of youth, at sa maga nagtitipid ng formalin para sa mga kaanak na malapit ng matigok, para dun sa mga taong habambuhay ay gustong i preserve ang kanilang kasalukuyang itsura… walang sinabi ang mga gluta gluta na yan.. mga injectables… mga rogin-e at kung anong pampabata…
eto lang ang solusyon…..
FRENCH FRIES!!
iniisip ko, kung araw araw ay kakain ako ng french fries… siguradong di na ako tatanda.. siguradong di ako kukulubot, siguradong di ako papangit… at kung matigok ako.. malaki ang maititipid ko sa embalming fees, formalin fees at etc… malaki ang aking magiging ROI, dahil kahit 1 year akong nakalamay, di ako aagnasin…. malakas ang kickback ng majong, tong hits, bingo, jueteng at iba pa…
paano ko nasabi? well.. tingnan nyo naman ang nangyari sa fries na itinago ko… after more than a month…

ohhh la la… so fresh….

parang kahapon ko lang sya binili……

the golden fries from the golden arches…… after a month…. my mouth is still watering…
nakita nyo ba ang difference? ako hinde… so ang ibig sabihin? sariwa parin sya…
imagine nyo kung totoo ba ang haka haka na gawa sa preservatives ang fries…
hintayin natin next month… tingnan natin kung totoong non bio degradable ba ang fries.. dahil kung oo, pwes di ko na sya itatapon sa basurahang kabilang ng “nabubulok”
Hunyo 26, 2008 Sa 11:44 umaga
gus2 ko p din ng fries :-s
pero parang. para lang.. ayaw ko na sa mcdo.
dpt kc fries sa iba ibang resto ang ni experiment mo eh para may compare notes!
bat di ako ang gumawa? K
Hunyo 27, 2008 Sa 1:08 umaga
wow puwede palang magstock ng ff sa bahay! bibili ako nyan good for one month.
Hunyo 27, 2008 Sa 1:18 umaga
naku, paborito ko pa naman ang fries..
mejo shady yan ah.
napadaan lang po.
Hulyo 1, 2008 Sa 10:07 umaga
ay oo totoo ito, pala… may ipinakita sa akin ang kasama ko na video sa youtube.. talagang inaabot ng months.. grabe…sira na lahat ng burger na pinagtripan niyang itago yon.. buhay pa rin… kaya lang sarap talaga ng french fries lalo pag sinawsaw sa gravy. wahhhh… at least mamatay ka naman nasrapan di ba… hehehe…
Hulyo 29, 2008 Sa 10:27 umaga
[...] kumusta naman si pareng fries? dun sa mga nag aabang kung ano na ang nangyari sa french fries ng mcdo na pinost ko noon dito? at ang follow up na nangyari sa kanya dito…. [...]
Enero 15, 2009 Sa 2:46 hapon
[...] http://defpotec.wordpress.com/2008/06/26/the-fountain-of-youth/ [...]