bat ang hilig natin sa sideshow/freakshow…
natatandaan nyo pa ba ang paborito nyong attraction sa karnabal? hindi yung dunk the bading ha… kungdi ang mga freak show na kilala nating:
1. zumatutal- ang taong ahas, na anak sa labas ni zuma
2. si inchikenyo- ang taong kumakain ng buhay na manok
3. bentong - ang taong 3 ang paa
5. exnumerika - ang babaeng di marunong magbilang..
o diba nakakamiss. pero eto ang nakakatawa…
kahapon ay nakatanggap ako ng concerned email from efren.. isa sya sa mga nakakasaksi ng araw araw kong pagpapapawis para lang maka experience for once ang mga bloggers ng isang kakaibang sideshow.. naiisip ko narin ang magiging impak at ikababagsak ng ekonomiya at panibagong krisis malaking kaguluhan na maidudulot nito.. dahil may tatakbo na sa baywalk ng hubot hubad…
di naman ako isang taong walang puso, kaya kabilang sa jogging ko ng every T-TH- S sa baywalk, ay minabuti ko naring i scout ang tatakbuhan ng talunan kong kapustahan….
3 kilometro ang haba ng PICC papuntang LUNETA… at sa haba ng 3 kilometrong yon, ay may 2 CR, 1 swimmingan sa manila bay malapit sa US embassy, di mabilang ng nagbebenta ng buko, c2, prutas, atbp, 3 parking lot, 4 na stoplight, at sandamukal na early risers/joggers/bikers/ at kaunting overnighters na may hangover pa, at saksakan ng dami ng taong nakapila para kumuha ng US BISA… so kung medyo mabilis bilis kang tumakbo, ang 3 kilometro na yon ay matatakbo mo in 30mins….goodlak
mabalik tayo sa email ni concerned efren:
ito ang bumulaga sa akin na muntik ko nang ikamatay ng sakit sa puso:
good pm’
may bibigay pala ko sayo para dagdag inspirasyon sa pagpapayat mo.
sana makatulong
heheh

at nakikita ko ang sarili ko na kabilang sa main attraction sa karnabal kung sakaling di ako pumayat….
5: def - ang taong walang leeg!!!
PERYA!!! PERYA!!!!
PS. 2005 or 2006 pa kinuha ang litratong ito Christmas time, andaming kainan nun, atsaka at least maganda ang camera ko…